RSS

Pagkilala sa Pinakamahusay na Editing ng 2013

30 Apr

Skilty Labastilla at JPaul Manzanilla

Sa genre ng horror, kinakailangang makuha ang simpatiya ng manonood upang makagaanang-loob nila ang mga pangunahing karakter at masabayan nila itong sumigaw, magulat, magulantang, at matakot kapag minumulto na sila o hinahabol na ng mga masasamang elemento kahit walang malakas na panggulat na tunog. Sa pelikulang Pagpag ni Frasco Mortiz, tagumpay na napagtagpi-tagpi ng editor na si Jerrold Tarog ang mga kuha o shots at namuhunan ang manonood sa mga sinapit ng mga tauhang ginampanan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Maliming hinati ng Porno ni Adolfo Alix, Jr. ang mga kwento ng ugnayang sekswal upang mailahad ang natatanging kalagayan ng pagnanasa. Pinutol ang naratibo sa ilang piling akda ng libog at katuturan ng paghahangad. May tungkol sa magsing-irog na galing sa magkaibang lahi, dubber sa mga pornong pelikula, at tirador at puta (o babaeng nagbebenta ng laman). Maging ang mga pribadong bahagi ng katawan ay ipinakita upang bigyang-kahulugan at suriin ang danas ng pagnanasa.

Ginagawad ang parangal sa Pinakamahusay na Editing ng 2013 kina Jerrold Tarog para sa Pagpag at Aleks Castaneda para sa Porno.

Sina Jerrold Tarog (kaliwa sa kaliwang larawan) at Aleks Castañeda (kanan sa kanang larawan)

Sina Jerrold Tarog (kaliwa sa kaliwang larawan) at Aleks Castañeda (kanan sa kanang larawan)

 
Leave a comment

Posted by on 30/04/2015 in Uncategorized

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: