RSS

What is Supposed to Be

JPaul S. Manzanilla

A series of mysterious events is happening in a remote barrio in the Philippines. A person is found dead with bite marks said to be made by an aswang (viscera-sucking beast). Cows are hacked to death. Howling sounds are heard from the wilderness. Houses are burned down. At this stage of the film, fear is not yet felt or articulated; only a later retelling of mishaps will explain the presumed absence of a cause, thereby conveying mystery and, later, fear of the unknown.

Once again, Lav Diaz takes us on a journey to history. This time around, it’s the years shortly before Martial Law when the country is on the verge of a catastrophe.

Diaz’s art of slow cinema gives viewers the chance to think and feel through the narrative he carefully crafts, unpressured by swift direction that waylays seemingly inconsequential actions to the detriment of understanding. The camera keeps hold of scenes for a long time and so allows contemplation—a technique that reorders the persistence of vision and the cognitive capacities of spectators. In traditional cinema, reasoning tries to catch up with the rapid current of images and one only ably examines after “finishing” the film. Three long minutes is devoted to the boat ride of Itang who’s brooding over on how she and her sister can survive. Several long scenes portray the mentally ill Joselina. Farmhand Sito and adopted son Hakob blend with the foliage, becoming distinguishable only after they make some movements.

Telling what happened or might have happened is the function of history; telling what could or is supposed to happen is the occupation of both fiction and history. Diaz’s opus belongs to the latter category as he imaginatively reconstructs from what was before the beginning of the end or the nightmare that is Martial Law. At the start, the filmmaker discloses that the story comes from memory and is based on true events. The characters are based on real people. And we see that truth is the casualty when everyone avoids confronting the root cause of their misery. Sito fabricates a story on the origin of Hakob, who elicits sympathy for his determination to meet his parents in the far-away island of Culion, because they are said to be quarantined lepers living in the land of the forgotten. Itang coerces her sister Joselina to conduct faith healing sessions to earn money. Parish priest Fr. Guido delivers a sermon that covers up the real cause of the disappearance of Joselina and Itang just to pacify the community’s anxiety. Winemaker Tony rapes Joselina and invents a story of their love affair.

In the end, it seems that the town is fated to experience both the answer and the cause of their problem. Everything falls into place as what is anticipated finally happens. All the unexplained occurrences – conditions of deprivation and depravity, in fact – are used to justify the imposition of military rule. The armed forces of the state, possessing the legitimate use of violence, arrive on the scene and transform the community, but not without opposition. It is instructive how local knowledge is used to debunk the excuses of military presence by the army officer aptly named Lieutenant Perdido (English translation: lost). Locals ask why classrooms will not be built when the military facilitates the construction of roads and bridges and Sito asserts that the place is peaceful prior to the arrival of the army. Fr. Guido vehemently objects on the sudden restriction of movement imposed on him and his flock. The ambulant rumormonger peddler Heding (legally Helen) who even concocted a tale that Joselina is the daughter of a kapre and is the source of the town’s misfortunes is, after all, a military spy who facilitates the arrival of the soldiers. The recurrent mention of the University of the Philippines demonstrates that the educational institution is not only feeder to the rebel movement but to the counterinsurgency organization as well. Marcos’ declaration of Martial Law, aired through an unseen radio, is actually only a formal presentation of what is being enacted all along.

Thickly describing situations – from the cosmos of customs and rituals to the complementarity of folk belief and Roman Catholic religion and from the terrors of counterrevolution to the quotidian character of agrarian life – Mula sa Kung Ano ang Noon is simply astonishing in how it reveals the prelude to a nightmare in Philippine history. The trauma of Martial Law is delicately attended to by Diaz in this painstaking elaboration of what is supposed to be the condition of our misery.

JPaul S. Manzanilla is engaged in research on the histories of photography, cinema, and television in the Philippines.

 
Leave a comment

Posted by on 07/06/2015 in Uncategorized

 

Pagkilala sa Pinakamahuhusay na Lunsarang Pelikula ng 2014

Patrick D. Flores at J. Pilapil Jacobo

Iginagawad ang Pinakamahuhusay na Lunsarang Pelikula ng 2014 sa Dagitab, Nick & Chai, at Sonata Maria.

Makasaysayan ang romanse sa Dagitab ni Giancarlo Abrahan dahil sa pagsaluysoy nito sa buhay-erotiko ng mga intelektwal sa pamantasan. Tampok ang tambalan nina Nonie Buencamino at Eula Valdes, naitatangi ng pelikula ang dusa at kasiyahan na lubos na naglalangkapan habang nakikipagbuno ang mga palaisip sa sariling hindi natitinag ang lumbay at sa lipunang higit pang dakila ang kalungkutan, sapagkat anuman ang pagkalugmok na tumatambang, nagbabadya lagi ang mga pansamantalang alab na maparirikit pa ng panahon na sa maluwalhating hilagyo ay salitang bumubungad at nagpapahimakas.

Giancarlo Abrahan and still from Dagitab

Giancarlo Abrahan and still from Dagitab

Sanaysay sa dalamhati ang Nick & Chai nina Cha Escala at Wena Sanchez. Ganunpaman, hindi tinuturol ng dokumentaryo ang nakasanayang indignidad na matagal nang ipinaloob sa mga salaysay hinggil sa sakuna, na para bang ang tanging kalikasan ng tao sa harap ng trahedya ay ang maglunoy sa mga lumipas at tuluyan nang nawala. Nananatili ang tanaw sa isang lugar kung saan hindi maikakaila ang gayong kawalan, subalit maaari ring kilalanin ang umuusbong na kasanayan na igalang ang nananatiling lakas ng kalooban na lumulan sa mga duyan ng magiting na lipunan.

Wena Sanchez (left) and Cha Escala and still from Nick & Chai

Wena Sanchez (left) and Cha Escala and still from Nick & Chai

Sa unang malas, ensayo sa palasak nang sipat sa kamalayang eksistensyal ang Sonata Maria (Ug Ang Babayeng Halas ang Tunga sa Lawas) ni Bagane Fiola, ngunit may kabihasnan ang pelikula sa paglayas mula sa baog na kadiliman ng narsisismo sa kasalukuyan. Sa halip, marangya ang hulagwayan sa sarikulay na liwanag ng kabataang isip na tapat sa kanyang mga kinakaharap na guwang kaya’t nagagawan ng paraan na kipilin ang silakbo at patiningin ang pagdaramdam ng sariling unti-unti at isa-isang niyayakap ang mga murang pangarap na katambal naman talaga ng mga mahal na kasawian.

Bagane Fiola and still from Sonata Maria

Bagane Fiola and still from Sonata Maria

 
Leave a comment

Posted by on 04/05/2015 in Philippine Film

 

Tags: , , ,

Pagkilala sa Pinakamahusay na Pagganap ng 2013

Patrick D. Flores at J. Pilapil Jacobo

Tumutukoy ang gawad sa pagganap ng isang papel o karakter na nagsasangkot ng emosyon, damdamin, at karanasan sa mga panlipunang kondisyon ng personal at sa politikal na ekonomiya ng kaugalian at kilos, at kung paano nakatutulong ang mga ito sa pagsasakatauhan ng sarili. Ipinagkakaloob ang Pinakamahusay na Pagganap sa Gumanap, lalaki o babae, matanda o bata, sa isang pangunahin o pang-suportang papel, sa indibidwal o kolektibong pagganap.

Ang mga Nominado:

Sa Porno, kapani-paniwala si Angel Aquino dahil sa masalimuot niyang pag-ako ng dagok na dulot ng kasariang tanging bukal ng kanyang kasiyahan.

Hindi pa rin matitinag si Nora Aunor na sa Ang Kwento ni Mabuti ay panatag na nananahan sa etika ng makataong pamumuhay sa lipunang may antala ang hatol ng katarungan.

Matalino ang musmos na pagsaksi ni Adrian Cabido ng Lauriana sa pagdaan ng kasaysayang marahas ang hagupit sa babaeng mutya.

Sa Mga Anino ng Kahapon, may seguridad ang pag-antabay ni Carlo Cruz sa malay ng pinaglalahuan ng makatwirang pag-unawa dulot ng makasaysayang pagpiit sa gunita.

Nakapanlulumo ang imahen ng pagkalalaki ni Allen Dizon sa Lauriana sapagkat kaakibat ng tipuno ng kanyang katawan ang karahasang walang habas ang paninibasib sa minamahal sanang katauhan.

Hindi matatawaran ang Ensemble ng Porno sa paggalugad ng ibayong posibilidad ng pagsasakatawan sa mga sexual na pagnanasang hindi na masasagkaan ng husga ng walang sanghayang lipunan.

Bagaman laos na prima donna ang tauhang ginampanan ni Cherie Gil sa Sonata, lubos na naisaloob ng aktres ang magiting na pakikihamok ng isang soprano na napilitang magpatilapon sa piyudal na mga realidad ng sinilangang bayan.

Sa Badil, mababanaag sa pagganap ni Dick Israel ng kapansanan ng katawan ang kapuluang parupok pa nang parupok ang politikal na integridad dahil sa pang-araw-araw na katiwalian na naisaloob na ng mamamayang nasa poder at silang lalong nagpapatirapa bagaman wala na ngang kapangyariahn.

Taglay ni Alex Vincent Medina sa Babagwa ang kabalintunaan na nakapaloob sa kasalukuyang social media: na darating ang panahon na maaaring masangkot din bilang biktima.

Walang pagmamalabis sa pagganap ng takot ni Daniel Padilla sa Pagpag. Sa halip, kakikitaan siya ng matimping pagkagagap sa lagim ng hindi pagkilala ng moderno sa madidilim na sulok ng kalinangang bayan.

Matingkad ang mga sapot ng makinasyon na inihabi ni Joey Paras sa Babagwa tungo sa isang tesis ng kasamaan. Wala siyang kompromiso sa pagsasasanaysay ng realidad na may kakayahan ang sinuman na lumubog sa diabolikong dimensyon ng desperadong katauhan.

Bagaman dumadaan lamang ang tauhan ni Sue Prado sa Ang Kwento ni Mabuti, mahalagang sangandaan ang kanyang sakripisyo dahil buhat sa isang inang may pananagutan sa pagpapalayang panlipunan.

Sa Mga Anino ng Kahapon, may pangunahing sensibilidad na naiaalay si TJ Trinidad, lalo na pagdating sa pakikibahagi sa dalamhati ng kamalayang naliligalig ng sariling hindi maipaloob ang danas sa marahas na daloy ng kasaysayan.

Ngunit ang pinili ng Young Critics Circle Film Desk ay ang mga pangunahing aktor ng Porno at Badil:

Napapadpad man sa mga asiwang lunan ng mithi ang pandama ni Carlo Aquino sa Porno, tinatangkilik niya ang pagkakatagpong ito sa nagnanasang katawan nang may kahanga-hangang pagbubukas sa laging may tigatig na kasarian. Kapana-panabik ang pagsasalit ng mga damdamin sa mukha ng aktor na natuklasan na ang walang pakundangang abot-nasa.

Matalisik ang pagsuysoy ni Jhong Hilario sa Badil sa landas ng korupsiyong masaklap na pipiliin matapos ang pagdanas sa maruming kalakaran ng eleksiyon sa isang isla sa Kabisayaan. Bukod-tangi ang kanyang pagsasakatawan sa politika upang mapangatawanan ang materyal na kondisyon ng araw-araw na pakikibaka sa inihalal na etika.

Pagbati kina G. Aquino at G. Hilario.

performance 2013

 
Leave a comment

Posted by on 04/05/2015 in Philippine Film

 

Tags: , , ,

Pagkilala sa Pinakamahusay na Pelikula ng 2013

Skilty Labastilla

Ang kategoryang Pinakamahusay na Pelikula ay tumutukoy sa pagdidirihe at bisyon na nagbibigay ng sensitibo at matalas na atensiyon kapwa sa lengguwahe ng pelikula (presentasyon) at panlipunang realidad (representasyon), at sa proseso ay inaayos at pinakikilos ang modo ng pagpapahayag ng pelikula sa realidad sa konteksto ng kakayahan nitong makipag-usap sa malawak na manonood at pukawin ang buhay ng publiko. Sa gayon, naaangkin ito para isulong ang kapangyarihan ng midyum ng pelikula at ang sulóng na interes.

Ang gawad para sa Pinakamahusay na Pelikula ay ibinibigay sa Direktor hindi dahil sa siya ang auteur o ang sentral na diwa ng pelikula, kundi dahil ang obra niya ay nakalugar sa hugpungang nagbibigay-koordinasyon sa paglikha ng pelikula.

Para sa taong 2013, walo ang nominado sa kategoryang ito:

  • Mga Anino ng Kahapon, dinirihe ni Alvin Yapan at pinalabas sa Metro Manila Film Festival (MMFF) New Wave Section
  • Babagwa, dinirihe ni Jason Paul Laxamana at pinalabas sa Cinemalaya Film Festival
  • Badil, dinirihe ni Chito Roño at pinalabas sa Sineng Pambansa All-Masters Edition Film Festival
  • Dukit, dinirihe ni Armando Lao at pinalabas sa MMFF New Wave Section
  • Ang Kwento ni Mabuti, dinirihe ni Mes de Guzman at pinalabas sa CineFilipino Film Festival
  • Pagpag, dinirihe ni Frasco Santos Mortiz at pinalabas sa MMFF
  • Porno, dinirihe ni Adolfo Alix Jr. at pinalabas sa Cinemalaya Film Festival
  • Quick Change, dinirihe ni Eduardo Roy Jr. at pinalabas sa Cinemalaya Film Festival

Sa walo, pinili ng mga kasapi ng Young Critics Circle Film Desk ang pelikulang pinakamatagumpay na nagsanib ng iba’t ibang elemento ng sining pelikula. Mayroon itong kwento na binalot sa hiwaga at kababalaghan ang magkasala-salabid na kwento ng mga taong sangkot sa paggawa at pagkonsumo ng pornograpiya. Mapangahas ang pagmina ng pelikula sa kaibuturan ng mga kaluluwa’t budhi ng mga tauhan nito. Nakamamangha rin ang paggamit nito ng kulay, ilaw, at anino sa sinematograpiya at disenyong pamproduksyon. Mayroon itong malinis at matalinong paglapat ng tunog at musika, may masinop na pagtatagpi sa editing ng magkakaibang kwento, at di makitaan ng butas ang pagganap ng mga aktor nito. Ang mga elementong ito ay mahusay na na-orkestra ng direktor na humubog ng isang obrang babalik-balikan ng manonood sa hinaharap upang mas matuklasan pa ang mga nakakubling lihim at kahulugan na maaring hindi agarang mapansin sa unang pasada.

Ginagawad ang parangal na Pinakamahusay na Pelikula kay Adolfo Alix, Jr. para sa pelikulang Porno.

Adolfo Alix, Jr. and stills from Porno

Adolfo Alix, Jr. and stills from Porno

 
Leave a comment

Posted by on 04/05/2015 in Philippine Film

 

Tags: ,

Pagkilala sa Pinakamahusay na Pagganap ng 2014

J. Pilapil Jacobo

Tumutukoy ang gawad sa pagganap ng isang papel o karakter na nagsasangkot ng emosyon, damdamin, at karanasan sa mga panlipunang kondisyon ng personal at sa politikal na ekonomiya ng kaugalian at kilos, at kung paano nakatutulong ang mga ito sa pagsasakatauhan ng sarili. Ipinagkakaloob ang Pinakamahusay na Pagganap sa Gumanap, lalaki o babae, matanda o bata, sa isang pangunahin o pang-suportang papel, sa indibidwal o kolektibong pagganap.

Ang mga Nominado:

Naisasaloob ni Krigi Hager sa Sonata Maria ang mayamang haraya na nalilibot ng isang malay na sinisikap na mapanghawakan ang sariling nagliliwaliw sa laberinto ng mga katanungang eksistensiyal.

Inilahad ng Ensemble Lead Cast ng Sundalong Kanin na sina Isaac Cain Aguirre, Nathaniel Britt, Elijah Canlas, Akira Morishita ang larombata na sa konteksto ng digma ay hindi na kailanman matatagpuan sa ligtas na tanggulan.

Malawak ang lupain na tinatanaw ni Nonie Buencamino bilang antropologong may hinahanap na arketipo sa Dagitab. Kung paano nagiging mutya ang artifact ay paglalakbay na masusing naihahalayhay sa atin ng kanyang maringal na pagganap.

Malalim ang balon na pinagsasalukan ni Eula Valdes bilang makata ng pinakamalulumbay na mga taludtod sa Dagitab. Kung paano pinagbabayaran ng hindi maitatangis na mga luha ang bawat salita ay pagtuklas na bahaging anino, bahaging liwanag na inilulunsad nitong aktres na pinatining ng mahabang panahon ng tila wala nang panulaan.

At sa tambalang ito nina G. Buencamino at Bb. Valdes—isang alkemiya na primera klase ang palitang sanghaya at salitang rubdob—nababatid ng pelikulang Pilipino sa kasalukuyan ang uri ng pagmamahalan na hindi hungkag, at lalong hindi baog sa paglilimi tungo sa pagsasabutil ng diwa: na ang pag-ibig, kung bibigyan ng pagkakataon, hindi maliligalig kung nakabatay sa mga sapantaha ng kaisipan, at sa hulagway ng mga palaisipan. Pagbati kina G. Buencamino at Bb. Valdes sa tagumpay na ito.

Nonie Buencamino and Eula Valdes in a scene from Dagitab

Nonie Buencamino and Eula Valdes in a scene from Dagitab

 
Leave a comment

Posted by on 04/05/2015 in Philippine Film

 

Tags: , , ,

Pagkilala sa Pinakamahuhusay na Lunsarang Pelikula ng 2013

J. Pilapil Jacobo

Sa kauna-unahang pagkakataon, kinikilala ng Film Desk ng Young Critics Circle sa taong 2013 ang Pinakamahuhusay na Lunsarang Pelikula o Best First Features: Angustia, Puti, Ang Turkey Man Ay Pabo Rin.

Inilalahad ng Angustia ni Kristian Sendon Cordero ang isang tesis post-kolonyal hinggil sa relihiyon, na pangunahing pamaraan ng pananakop mula noong ikalabing-anim na dantaon. Ayon sa imahinasyon ni Cordero, may nagsakatawan sa lupain ng sinusupil na katutubo: ang demonyo; at ang pagsasakatawang ito ay kinanlong sa kaloob-looban ng simbahan. Hindi man isang orihinal na kaisipan, maaaring sa pagkakataong ito pa lamang nasaksihan sa sine, at sa isang masinsinang paraan, ang gayong materyal na katotohanan ng espiritwalidad.

Kristian Sendon Cordero (right) on the set of Angustia

Kristian Sendon Cordero (right) on the set of Angustia

Sa Puti ni Mike Alcazaren, muli, napagtitibay ang kapangyarihan ng sining biswal bilang pangunahing idyoma ng pelikula. Sa patnubay ng ganitong gawi, nasusuri rin ang usapin ng awtentisidad na nakataya sa anumang pagdulog sa kakanyahan ng representasyon, lalo na sa daigdig na sinisipat ng napaglalalangan ding pandama ayon sa simulain ng mata.

Mike Alcazaren (left) on the set of Puti

Mike Alcazaren (left) on the set of Puti

Magaan at magiliw ang pagturing ni Randolph Longjas sa ulayawan ng Pilipina at Amerikano sa Ang Turkey Man Ay Pabo Rin, ngunit katumbas ng masayahing asta na ito sa harap ng mapait na realidad ng diaspora ang malalalim na paglilimi hinggil sa suliranin ng mga pagtatagpong trans-kultural na may pagkiling sa posibilidad ng kapatawarang pangkasaysayan dulot ng pamamalagi sa higit na mapagpalang pook ng pagmamahal.

Randolph Longjas (foreground) on the set of Ang Turkey Man Ay Pabo Rin

Randolph Longjas (foreground) on the set of Ang Turkey Man Ay Pabo Rin

 
Leave a comment

Posted by on 04/05/2015 in Philippine Film

 

Tags: , , ,

Pagkilala sa Pinakamahusay na Sinematograpiya at Disenyong Biswal ng 2014

JPaul S. Manzanilla

Nominado ang mga sumusunod: Mariquina, Sasha Palomares (cinematography) and Aped Santos (production design); Sonata Maria, Wrap Meting and Mark Limbaga (cinematography) and Bagane Fiola, Orvil Bantayan, Mandy Velasco, Lulu Amorado, and Louie Daniel (production design)

Inangkupan ng mga eksena ng Mariquina ang tahimik na pag-uusap sa pelikula. Nagbababad ang kamera sa mga sandali ng pagsasamahan ng isang pamilya: ama sa anak na babae, asawa sa asawa, lalake sa iba pa niyang babae, anak na babae sa kanyang ina, at anak na babae sa ibang babae ng kanyang ama. Maliit lamang ang lokalidad na binabagtas (ang bayan ng Marikina) ngunit nailakad ang mga pait ng paglikha ng sapin sa paa sa pasakit na dulot ng nagbabagong pre-industriyal na ekonomiya at paghahanap ng sagot hinggil sa buhay, kamatayan, at pagsasama ng nagmamahalang tao.

Sinikap naman ng Sonata Maria na tugaygayin ang kaisipan ng isang binatang nagkakaroon ng krisis sa kanyang pag-iral. May mga pagkakataong ginugulat tayo at dinadala sa mga delusyong tanging makikita sa isang taong hinahanap ang kanyang sarili at pilit nilulutas ang mga suliranin ng kanyang buhay. Naging mapaglaro ang pelikula sa paglalakbay sa lungsod ng isang taong walang kapaguran sa pag-iisip. Makinis ang takbo ng naratibo mula sa kasulok-sulukan ng kaisipan hanggang sa bukas na espasyo ng pakikisalamuha sa ibang tao.

Dagitab4

Nagwagi ang Dagitab bilang pinakamahusay na sinematograpiya at disenyong biswal dahil sa maningning nitong paglalarawan ng pag-aapuhap ng layunin sa nakababagot na pananatili sa isang makitid na mundo. Maiibigan ang isang eksena sa dalampasigan na tila hinihila na tayong sumama sa agos patungo sa kawalan habang ang dalawang nagmamahalan (o magmamahalan pa lang? o hinahanap lang ang sarili?) ay dikit na dikit sa isa’t isa. Dinala tayo ng naratibo sa mga karaniwan nang eksena sa bahay, sa campus, sa gubat, sa bundok, at upang mahanap ang dagitab na magbibigay-sigla sa tila walang katuturang buhay.

Tinatawagan sina Rommel Sales, cinematographer, at Whammy Alcazaren at Thesa Tang, production designers, upang tanggapin ang gawad.

(l-r) Whammy Alcazaren, Thesa Tang, Rommel Sales

(l-r) Whammy Alcazaren, Thesa Tang, Rommel Sales

 
Leave a comment

Posted by on 02/05/2015 in Philippine Film

 

Tags: ,

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 1,714 other followers