RSS

Tag Archives: Minsan Pa YCC review

‘Minsan Pa’: Mga Pagtalunton sa Pagitan ng Pamamaalam at Pagdating

Eli R. Guieb III

Minsan, ang pamamaalam ay isang pagdating.  At ang mga pagdating, kadalasan ay mga pamamaalam.  At magkahalong panghihinayang at pag-asa ang binubuhay, pilit na binubuhay, sa mga masikip na oras na sinisikap pagkasyahin sa pagitan ng mga payapang pagtatagpo at paglisan, sa tahimik na pagtalunton sa diwa at unawa.  Ito ang buod ng komplexidad ng mga naglalagalag na damdaming pinilit himayin ng matalinong pelikulang Minsan Pa ni Jeffrey Jeturian sa panulat ni Armando Lao.

Kung tutuusin ay hindi naman kakaiba ang kuwento ng pelikula, subalit kakaiba at malalim ang paghawak ng direktor at iskripwriter sa mga emosyon ng mga tauhan, maging sa emosyon ng mga kontextualisadong visualidad ng kondisyong material ng mga tauhan sa isang tiyak na panahon at lugar ng mga pagtatagpo at pamamaalam.  Pinagsanib, pinagtunggali at kalaunan ay pinaghiwalay ng pelikula ang samu’t saring pinagdaraanang emosyong personal ng mga ordinaryong mamamayang umiinog ang buhay sa sentralidad ng Cebu bilang isang siyudad na umaagapay sa mga nagbabagong hugis ng globalisadong urbanidad.  Sa pagitan ng humanidad ng mga koneksyong pantao at ng deshumanidad ng mga koneksyong binubuo ng globalisadong kapital ay ipinahiwatig ng pelikula, sa isang napakapayapang pamamaraan, ang nagsasalimbayang koneksyon at diskoneksyon ng mga sarili at mga kolektibong sariling nabubuhay sa higop ng mekanikal na urbanisasyon, kasabay ang pagtalunton ng mga indibidwal sa mga hinahanap na espasyo ng sarili.

minsan

Ara Mina at Jomari Yllana sa Minsan Pa (2004)

Walang pagtatangkang maging lantarang pulitikal ang Minsan Pa, pero sapól ng pelikula ang dimensyong kultural ng mga binabagong ugnayang pantao na umuusbong sa isang sitwasyong ang mga tinaguriang kalakarang global ay nanunuot sa mga kondisyong lokal, at kung paanong ang hulí (kondisyong lokal) ay umaagapay o di-kaya’y tumatalilis, minsan ay umiigpaw, sa una (kalakarang global).  Bagamat may tendensyang maging palaiwás ang pagtalakay ng Minsan Pa sa mga sanhing pulitikal ng mga ganitong pagbabago sa lipunan ay masinop naman nitong napanghawakan ang makinis nitong paghimay sa mga magkakapatong na subtextong kultural kung saan ang mga pamamaalam at pagdating, kadalasan, ay bunga hindi lamang ng mga personal na paglalakabay ng mga damdamin kundi ng mga puwersang pulitiko-kultural na nakakawing pa rin sa mga indibidwal na sarili.

Namumukod-tangi ang paggamit ng pelikula sa mga imahe ng mata ng tao at lente ng kamera bilang mga suhestyon sa pagbibigay-visyon sa mga posibilidad ng iba’t ibang hugis ng relasyong personal at iba’t ibang anyo ng ugnayang panlipunan, maging sa mga probabilidad ng paglaho ng mga koneksyon at visyong ito.  Sa pelikula, ang turismo, halimbawa, ay isang anyo ng voyeurismo o pamboboso, isang paraan ng pagkalakal sa kahirapan ng mga Filipino, at tusong palengke sa pambubugaw ng mga naghihingalong pangako sa mga inaakalang katuparan ng mga pangarap.  Sa mga kondisyong ito ay inilarawan ng pelikula ang magkakakawing na deshumanidad at humanidad ng mga tauhan, lugar at panahon (e.g., ang lente ng kamera na kumukupkop sa mga paít at saya ng nakaraan subalit parang multong nanunudyo sa pagpapadaloy ng kasalukuyan; ang naglahong paningin ng mata kasabay ng pagdilim ng tutunguhing relasyon).  Tinipon at isinubi ng maraming indibidwal sa lente ng kani-kanilang mga personal na gunita ang kimkim-kimkim na maliliit na kuwento ng ordinaryong pamumuhay, na sa pagdaloy ng pelikula ay nagpapakapal sa textura ng karimlan at panlulupaypay ng visyong panlipunan ng pagkabansang Filipino.

Ang pag-apuhap ng pag-asa buhat sa nakaraan, ang pagbubuo ng mga pangarap tungo sa kung anuman ang maaaring harapin sa bukas, ang pagpapatibay ng bukas sa pamamagitan ng pagharap sa mga hamon ng ngayon, ang pagbibigay-buhay sa mga naglalahong visyon ng pag-ibig at pamumuhay bilang mga marangal na tao, ang pagsaliksik at pagsagip sa mga lumubog na pangarap, ang mga internal na paglalakbay sa sarili na hindi kumakaligta sa nakaugnay na mga paglalakbay sa labas ng sarili: sa lahat ng ito, ang mga pamamaalam at pagdating ay hindi laging pamamaalam at pagdating; ang mga pagdating ay nagiging pamamaalam at ang mga pamamaalam ay naghuhigis pagdating.

Maihahanay ang Minsan Pa sa iilang matinong pelikulang Filipino na pumapaksa sa tema ng mga nagbabagong ugnayang personal na nakapaloob sa mga empirikal na kondisyong material ng natatarantang lipunan.  Ipinagpapatuloy ng Minsan Pa ang mga pagsisikap ng mga nauna nang pelikulang kinakitaan ng katulad na estilo ng paglalahad at pagdalumat.  Ilang halimbawa ay ang Soltero ni Pio de Castro, Kung Mangarap Ka’t Magising ni Mike de Leon, at Ikaw ay Akin ni Ishmael Bernal.  Sa mga pelikulang tulad ng Minsan Pa at ng mga kahawig na pelikulang nauna rito, nabibigyan ng katarungan ang pagtalakay at explorasyon sa komplexidad ng magkasalikop na mga personal na paggalugad sa katuturan ng sarili at kolektibong pamumuhay, bagamat kadalasan ay watak-watak na pamumuhay, ng mga Filipino na pilit na umuukit ng makataong pakikipagkapwa sa gitna ng kontemporaneong deshumanisasyon ng ugnayang pantao.

At bihira lamang, minsanan lamang kung tutuusin, ang bilang ng mga pelikulang Filipinong matinong humaharap sa ganitong hamon.  Isa rito ang Minsan Pa.

Advertisements
 
 

Tags:

‘Minsan Pa’: The Camera Obscured and Luna’s Vision

Eloisa May P. Hernandez

The camera plays an integral and integrative role in the film Minsan Pa.  It is a repository of a woman’s visions: her past, present, and the promise of a future.

Filmed entirely in Cebu, it stars Jomari Yllana as Jerry, a tour guide to the “Queen City of the South” for local and foreign, mostly Japanese, tourists.  He sells not only the sites and sounds of Cebu, but also pimps the women and eventually prostitutes himself. However, there is a sense that for Jerry, there is no such thing as a free lunch; everything has a price. It is part of his trade: he lives on commissions, tips, favors, and has mastered the art of bartering.  There is goodness in Jerry, though, as the breadwinner of his family, he sacrifices his own needs and wants for his mother and two siblings, and stands as the patriarch of the family. In return, he wields control over his mother and siblings (mother’s attempt to go back to teaching, his brother’s gambling, his sister’s emotional outburst).

minsan-pa-02-300-x-225

Luna (Ara Mina) is a pre-school teacher who joined one of Jerry’s tours and is apparently running away from her philandering boyfriend, Alex.  The whole trip, she holds her camera almost all the time, like a security blanket, ready to shoot (and even used it to shut up an irritating boy). Alex follows her to Cebu to woo her.  On a boating trip, the camera accidentally falls off the boat (which could have been avoided if she had the good sense to put the strap around her neck) and plunges deep in the sea. The camera takes a symbolic metamorphosis here as it is blinded, obscured by the depths of the sea.

Alex proposes marriage but reneges on his marriage proposal as he is blinded by a vehicular accident. Luna goes back to Cebu and, with the help of Jerry, goes on a mission to recover the camera.

The camera takes on a symbolic and real significance to Luna. To be photographed is to bear witness to one’s presence, as Pierre Bourdieu posited.  Luna photographs Alex, to affirm his presence in her life, to affirm a time of happiness, as Luna’s presence in Alex’s life is also affirmed.  The camera is a witness of, and an affirmation, of Luna’s visions of a nostalgic past filled with happiness. However, a photograph is both a pseudo-presence and a token of absence, the late Susan Sontag wrote. The photographs in Luna’s camera serve as a pseudo-presence (of her past with a tinge of nostalgia) and a token of absence (of her present without Alex).

Jerry’s affection for Luna grows as he misinterprets Luna’s trip as a sign of reciprocal affection. Thinking that Luna is weakened when Alex left her, Jerry tries to barter love and protection to Luna.   Sadly, for Jerry, his love is unrequited. He is weakened by his inability to give, to help, and to love without expecting anything in return. His selfish notions about love blind him. Jerry, the tour guide, knows the landscapes of Cebu but is misguided in the landscapes of the heart.

The loss of Alex’s vision is symbolic of his loss of power and the ability to gaze. Alex thinks that his blindness weakens him, and he doubts Luna’s love for him.  He is blinded, physically and emotionally (and even turns mute as he is almost devoid of any lines towards the end of the film).  For Luna, the recovery of the camera, and the images of their happiness it contains, validate the fact that they shared a past, a proof that nothing has changed, and the potentials of a future. As Alex loses his vision, Luna holds on to hers.

Luna shines through the movie despite the very macho Jerry who thinks she is a damsel-in-distress to be saved.  She who stands at the door of the hotel, deciding whether to invite Jerry to dinner (or not), as she repels the advances of Jerry.  Luna remains steadfast in her vision of a life with Alex, with or without his sight. It is Luna who holds the camera – the woman, in a reversal, who is the bearer of the gaze.

Luna’s name (moon as light source, photography as “light writing”) bears her vision: to shed light on two blind and weak men.  Luna sheds light on the obscured goodness in Jerry’s heart, emotionally blinded, and transforms him.  Luna’s love shines bright through the blinded heart of Alex.  It is Luna who enables the two men to regain a vision of themselves, and inevitably, to “see” again.

Defying the laws of probability and even of possibility that the camera and the film will survive the ravages of the sea, it is the audience (not Luna, Jerry or Alex) who will behold the visions of Luna – images etched on the silver coated negative, projected on the silver screen of the cinema house at the end of the film.  In Minsan Pa, cinema revisits its predecessor and pays homage to the camera (and the camera obscura) as it embarks on a journey of enlightenment and a fulfillment of a woman’s vision.  Minsan Pa illuminates an old cliche: it is only with the heart that one can see rightly, what is essential is invisible to the eye.

 
 

Tags: