RSS

Tag Archives: Hele sa Hiwagang Hapis review

Kung Makikipagtuos sa Ugali ng Panahunan: Sipat sa “Hele sa Hiwagang Hapis” (2016)

J. Pilapil Jacobo

Kakatwa ang ibinubungad na panukalang ugali ng pelikula ni Lav Diaz sa harap ng “hiwagang hapis,” salin sa Tagalog ng isa sa mga tatlong mysterium na uusalin sa ulunan ng bawat tagniang dasal sa banal na rosaryo. Ano ang nasa loob ng panukala kung ang kahapis-hapis na hiwaga, na ang loob ay dalamhati, ay dudulutan ng “hele,” ng awiting pampahimbing? At ano ang nagaganap sa mungkahing ito kung sa larang ng pelikula pinangyayari ang oyayi?

Kung lilingon sa araling pambayan, pangunahing dahilan ng pagkagising ng paslit ang paghihintay sa magulang na nasa labas pa’t hindi nakatutupad sa pangakong oras ng pagdating, kaya’t ang katumbas na ganyak ng persona sa awiting bayan ay lubos pang maaantala ang ama o ina sa kanyang lumalawig pang paghahanap-buhay, lampas-takipsilim, at abot-hatinggabi! Samakatwid, habang ipinababatid ng hele ang araw-araw na hapis ng manggagawang magulang, ang kabatirang ito rin ay ipinawawaglit, gabi-gabi. Parikala, hindi ba?

Sa pelikula ni Lav Diaz, na nagwagi ng gantimpalang pilak sa Berlin, nagkakaroon ng ikalawang sandali ang hiwagang hapis sa pagtatapat nito sa kasaysayan ng himagsikan noong 1896, at sa panitikang nagsadula pa ng gayong salaysay sa ngalan ng anyong tuluyan. Tunay ngang lipos ng dalamhati ang yugtong iyon ng panahon ng ating lahi, ngunit nararapat kayang oyayi, ng kabatirang iimpitiin lamang naman sa paghimbing, ang akmang panturing sa kaloobang maligalig?

Anong uri ng tanaw sa kasaysayan ng himagsik ang masisipat sa pelikula? Paano ito nababalutan ng hapis? Kung tutuusin, may salimuot na sinusuong ang proyekto. Pinaghuhugpong ng panulat ang salaysay ng dalawang nobela ni Jose Rizal, at ang naratibo ng naunsyaming himagsikan ni Andres Bonifacio, sa loob ng madawag na kabundukan na kailangang bagtasin ni Ibarra/Simoun upang makarating sa lunduyan ni Padre Florentino at minarapat namang galugarin ni Gregoria de Jesus upang matalunton ang kinaroroonan ng bangkay ng kanyang bana. Magkaibang katha, subalit maaari namang pagsabayin upang makalikha ng langkapang pagsipat sa mahabang huling tagpo ng ikalabinsiyam na dantaon sa Pilipinas, bago naitatag ang Republika ng Malolos at dumaong ang Estados Unidos, pangunahing imperyo ng bagong siglo, sa pampang ng Maynila.

Bagaman halos walang hugnayan ang dalawang lakbayin, at magtatagpo lamang sa isang piging ang mga pangkat ni Simoun at ang lupon ni Oryang, naimamapa ng dalawang pagbabagtas na ito ang isang “madilim, gubat na mapanglaw” na nagsisilbing lunan ng hapis na sinisikap na hubdan ng kahiwagaan ng pamemelikula ni Lav Diaz. Sa pamaraang ito ng salaysayan kung saan naghuhugpong at halos tuluyang naglalangkap ang dalawang uri ng katha (nobelistiko at historyograpiko), nagagawa na ngang sipiin ng dulang pampelikula ang higit na maagang salaysay ng himagsik, sa pagbanat nito ng panahong sakop ng malay-panahon mula sa 1887, kung kailan inilathala ang Noli Me Tangere, tungo sa 1838, kung kailan naman inilimbag ang Florante at Laura, awit ni Francisco Balagtas na itinuturing bilang pinakamaringal na tula ng panitikang Tagalog at isa sa mga unang tekstong sumipat sa panloob at panlabas na kasawiang dulot ng kolonyal na kaayusan. At kung tatanggapin ang panukalang basa ng iskolar na si Rolando Tolentino sa diskursong binubuksan ng pelikula, na tugon sa bunsod na paglalahad ng suliranin ng kritikong si Epifanio San Juan, Jr., hinggil sa saysay ng uri ng sanglarawanan ng bayan na isinisiwalat ni Diaz, ang ultimong larang ng pakikihamok ng kritiko sa texto ng pelikula ay matatagpuan sa diskurso ng isang pangunahing corrido ng panitikang Pilipino, maihahalintulad ang hamon ng pagsubaybay sa pelikula sa mga sugat na kailangang pigaan ng dayap upang magapi ang malalim na himbing na dulot ng pitong awit ng Ibong Adarna.

Ang totoo, hindi naman ito ang unang pagkakataon kung saan tinangka ang langkapang hulagway ng kathang isip at pangyayaring historiko sa kontemporaneong pelikulang Pilipino. Sa mga may matatag-tatag pang gunitang pampelikula sa kasalukuyang manunuod, maaaring sipatin ang lubos at labis na imahinasyon sa Sisa (1999) ni Mario O’Hara, at maging sa Jose Rizal (1996) ni Marilou Diaz-Abaya. Lampas pa sa husga kung naging matagumpay ang larong katha ng mga pelikulang ito, mahalagang tanungin ang layunin sa likod ng astang naniniwala na maaari ngang magbanggaan ang mga tauhan ng kasaysayan at panitikan. Kung erotiko ang motibasyon ni O’Hara, at epiko naman ang kay Diaz-Abaya, ano kayang modalidad ang maaari nating itaguri sa panunumbalik ng gayong proyekto kay Diaz?

Dito mahalagang suriin kung paano nagiging kahapis-hapis ang kamalayang pangkasaysayan ng “Hele sa Hiwagang Hapis.” Ay, tunay nga namang kahapis-hapis dahil sa kanyang kahungkagan! O, sa labis-labis na pagpupuno na walang ibang katumbas kundi ang wala ring humpay na paghuhungkag! Walang problema sa pag-uulit ng banghay ng mga nobela ni Rizal, sa pagsipi sa mga talata nito, sa paglalakip ng kanyang tula ng paalam sa loob ng mga pagdadalamhati nina Simoun, Isagani, at Basilio. Wala ring mali sa pagsasadula ng hilahil ni Oryang habang hinahanap ang kanyang mahal na si Andres sa Bundok Buntis ng Maragondon, at ng pagdagdag ng pighati ng mga tulad nina Aling Hule, Caesaria Buencamino, at Mang Karyo. At lalong walang masama kung maipapaloob sa dalamhati ng lakambini ang pakikipagtipan ng mga tikbalang sa buhay ng tao, ang pakikilahok ng tao sa salaysay ng bayaning talulikas (salin ng “supernatural/sobrenatural” ng kritiko, iskolar, at historyador ng panitikan na si Oscar V. Campomanes) ni Bernardo Carpio, ang paglawig pa ng dalamhating ito sa paglitaw-litaw ng mga taga-kapisanang Colorum, at ang pagtatagpo ng kani-kanilang dusa sa isang piging bago maabot ang dulo ng kani-kaniyang lakbayin. Kung ganoon, nasaan ang suliranin?

Sa pagbigkas ng mga katagang namutawi sa mga tauhan ng panitikan at kasaysayan sa loob ng mga larawang may bighani naman sa una subalit pinagpapanawan ng balani sa huli, dahil kusang iniimpit ang montahe sa paghihimpil sa eksenang naibibilad na wala palang pakundangan sa kanyang paglulubog sa sariling mangha, tunay ngang kumukupas ang hiwaga, natatanggalan ng panganganinag ng kamera ang panganganino ng wika. Subalit kung ang pagmumukhang tumatambad ay pagmumukhang wala namang loob na mangusap, na ilibot ang kanyang pook upang maunawaan ng mata ng iba (na masugid sanang nagmamalas) ang tanawing mundo mula sa kanyang lupalop ng pangitain, lubhang nababalungan pa ng hiwaga ang inilarawan bilang misteryoso sa simula. May kumpas ang sining na pinahihiwaga ang bagay sa ngalan ng defamilyarisasyon, subalit may hampas din ang kamay ng artista na nauuwi ang lahat sa mistifikasyon lamang. Batbat ng gayong hambalos ang pelikula ni Diaz. Balikan na lamang natin ang pinagpupugayang duweto nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz sa “Ultimo Adios” ni Rizal. Sisimulan ni Pascual ang bigkas sa Espanyol, itutuloy ni Cruz ang usal sa Tagalog, at magbabalik kay Pascual hanggang wakas. Saan huhugot ng simpatiya sa palitang ito? Matapos ang mahaba nang pagtitimpi sa mga walang lamang pangangaral hinggil sa rebolusyon, sa papel ng indibidwal sa rebolusyong ito, napaisip ako habang nakikinig sa kamangha-manghang espektakulo: Tula pa kaya ang natunghayan? O talumpati na lamang? Sa wakas ng paghahalo ng balat sa tinalupan?

Kataka-taka ang gayong paghuhungkag, kung sa kabilang dako ng gubat, sa pagtatapat ni Caesaria Buencamino kay Gregoria de Jesus ng kanyang pagkakanulo ng himagsikan, kahit na ba tilian nang husto ni Hazel Orencio (at tapunan pa ng matalim na pingkian) ang ngumangangaw na si Alessandra da Rossi, ay nagagawa naman ng dalawang babae na isuko sa hapis ang kababalaghang nararapat sa kanyang hiwaga! Sa susunod na eksena, nasa magkabilang panig sila ng makitid na landas, malapit at malayo ang loob sa isa’t isa, ganunpaman may bigat ang hindi ipinapataw na pagitan.

Ito ang suliranin: bibihira lamang may himig ang oyayi, tulad ng inilahad sa batuhan nina Oryang at Caesaria. Kadalasan, lalo na kina Simoun at Isagani, ang tula sa awit ay lubos na pinagpapanawan, kaya’t ang hapis (agony) ay lunos (abjection) na lamang. Ay, labis-labis, kaya’t kalunus-lunos! Walang Pasyon. Kung wala ang texto ng huli, hindi rin posible ang Rebolusyon, ayon na nga sa historyador na si Reynaldo Ileto.

Sa isang teoriya ng tulang liriko, namumulaklak ang lirisismo (ang pagsipi ng musika ng lira) na nakakubli sa isang taludtod sa kakayahan ng wikang poetiko na palutangin ang imahen sa pansamantalang pagpapanaklong ng panahon at paligid. Kung may pagpapaloob ng imahen sa estado kung saan ito’y nahihimpil sa sariling lunan at panahon, ang bisa ng larawang-diwa ay posible lamang dahil sa pagkagapi ng stasis sa kinesis, o kung nais, ng mimetiko sa diegetiko. Hihinto ang lahat, walang paggalaw na magaganap. Wari’y ganitong kilos ang tinuturol ng larawan ni Lav Diaz, sa kanyang mga gawang pelikula, lalo na sa Hele sa Hiwagang Hapis. May pagmamahal sa mise-en-scène, habang tinatawaran naman ang montage.* Mamamalagi si Diaz sa isang eksena, hindi niya ito puputulin, paiikutin, gagawing dambuhala o mumunti; palalawigin niya nang lubos ang stasis. Lahat na nga ay stasis. Ang mundo na ipinalabas bilang may kalooban (kaya makasaysayan!), hindi niya paiinugin. Ang simulaing mangha at punong liksi na bumabalot sa larawan, gaano man siya kagila-gilalas, sisipsipan ng lakas, at sa kabila ng lahat, magmimistulang katawang nasa comatose ang imahen, bibilangan na lamang ng nagluluksuhang luntiang tuldok. Bilangin din kaya ang ugat-ugat ng pakô o ang butil-butil ng buhangin sa malapot na luwad? Anu-ano pa ang puwedeng bilangin sa tagal, at hanggan kailan? Sa komposisyon ng palitan ng dapat sana’y nag-aalburutong si Isagani at naghihingalong si Simoun, may katamlayan, at kung magtatagal pa nga, katamaran, na sa una’t huli mapakikiramdaman. Sa sandaling tumimo ang gayong enerhiya, ng languor/lassitude baga, na nagiging kongkreto na bilang indolencia, patibay sa paratang sa atin ng mga Kastila, doon sila mag-eeskrimahan ng mga berso mula sa Huling Paalam. Paano pa?

At iyon na nga ang dahilan ng pagpapahimbing ng hele sa hiwagang hapis, at hindi ng pagbabakasakali ng kundiman o ng paghimok sa digma ng kumintang: ang paglugmok pa matapos ang lunos. Hikahos pala ang larawang-diwa, kaya’t bumabaling sa palatunugan ng oyayi. Ngunit kung wala namang himig na pinagbabatayan ang mga titik na nakalakip sa taludturan, radyo pala ang estetikang pinapangarap at hindi pelikula? Ngunit kahit sa radyo, sa paglilimi nito sa sariling medyasyon, may sisibol na saysay sa paghuhugpong ng mga bahagi (metonymy) at sa paglalangkap ng magkakaiba (metaphor), tulad ng isang etnomusikolohiya ng alsahan, na nasaliksik na ni Propesor Teresita Gimenez Maceda! Sa pagitan ng insomnia ng pelikula at ng narcolepsy ng tumutunghay sa kanya, hindi talaga matatagalan ang tagal, ang loob ay mawawalan ng loob, kung ang hapis na ubod ng tindi, inaasam na panghinaan, sumuko sa “tucsong mabaomabaoin,” gayuma ng kunwang pagpapahingalay na halos pagkautas na rin. Ito, mga kapanalig, ang saysay ng kritika: ang mabatid na sa mga pelikulang may asta ng walang hanggan, walang lugar ang nakatutuwa’t maluwalhating sandali ng talinghaga (trope), na muhon ng panahunang sasaysayin, isasatitik, ilalarawan.

*Kaisipang bunga ng mahaba-haba nang paglilimi hinggil sa mga tangka ng kontemporaneong pelikula, bunsod ng matalas na pasimunong tanong ni Patrick D. Flores.

 
Leave a comment

Posted by on 29 March 2016 in Film Review, Philippine Film

 

Tags:

Hele sa Hiwagang Hapis: Revolutions eat their own children

Nonoy L. Lauzon

Lav Diaz’s latest epic of cinematic grandiosity should have been several separate movies. But as if by some twist of fate and sleight of hand, the genius in Diaz has managed to squeeze them all into an eight-hour-and-five-minute cut with a cool title to die for, Hele sa Hiwagang Hapis, that for all intents and purposes, encapsulates all that the film has to say.

How does one soothe the sorrows of a people? What are the mysteries – man-made and divine – that propel a nation in hell? Do the ways of men actually and significantly differ from the ways of the omniscient God? Does history really repeat itself? Can a country be really cursed? Why do revolutions happen? Is revolution the true path to freedom?  What is freedom or what is it to be free to begin with?

Image: starcinema.abs-cbn.com

These are just few of the questions that the allegorical film has raised but is not meant to answer. It is all up to the viewers to ponder and resolve to find concrete answers for them. Such is the marvel of the cinema of Diaz that at film’s end, no one is allowed to go scot-free from having to think, reflect, interrogate and investigate on matters, concerns, issues and affairs that it has all laid bare.

As audiences get full immersion into the dilemmas of the characters in the film, the former gets to feel too the latter’s pain and loss and share their burden of confusion, madness, helplessness and hopelessness.

It is most uncanny that the film had its world premiere at this year’s Berlinale, right after the Ash Wednesday, that ushered the Lenten season for the entire Christian world. It opened in regular theaters in its home country on Black Saturday. Needless to say, the timing is most apropos as it bolsters the notion that a Lav Diaz film could not be anything else but a contemporary senakulo, the cultural form most identified with the Filipino commemoration of Lent and that has deep roots in the Filipino psyche and folk religiosity.

This puts to rest the dispute over the film’s length. Tradition indicates that the Filipinos may have the tenaciousness to sit through a film that may run on hours beyond the usual Western model of big-screen fare. They can be drawn to a viewing marathon in the same manner that they may take to senakulos of yore like fish to water.

Diaz’s masterpiece is also to be credited for an unparalleled boldness. Hele sa Hiwagang Hapis perfectly made sense as Diaz’s brash appropriation of Jose Rizal’s great writing. It is mainly a re-imagining of the novel “El Filibusterismo,” the sequel to the national hero’s only other work of fiction, “Noli Me Tangere.” In this re-imagining, the characters created by Rizal have ceased to be a creative proprietorship by the man alone. They have become Diaz’s as well, and thus are now owned by Diaz in the name of the rest of Filipinos of today, enacting their own celebration of their nation’s passion quite akin to what the Lord of their collective faith went through some two thousand years ago.

“El Fili” the novel has been rendered in Hele the film to be a self-fulfilling prophecy for the Philippine Revolution of 1896. The incidents that led to the failed uprising in “El Fili” have come to be as palpable as the betrayals that doomed the actual Philippine revolution as deduced from recorded history by situating the novel’s dramatis personae in the very historical setting that witnessed the execution of Rizal by the Spaniards and the murder of revolutionary leader Andres Bonifacio by the honchos of Asia’s first republic that the great plebian helped sired.

The film thereby offers an important lesson on how the world must regard the Philippine Revolution of 1896. It is as momentous as the American Revolution of 1776 and the French Revolution of 1789 – from altering the course of geopolitical order in the world to demonstrating how revolutions always end up eating their own children.

 
Leave a comment

Posted by on 28 March 2016 in Film Review, Philippine Film

 

Tags: