RSS

YCC Citation for Best Film of 2012

07 Sep

Tessa Maria Guazon

Nominado para sa Pinakamahusay na Pelikula ang mga sumusunod: Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim ni Arnel Mardoquio, Kalayaan ni Adolfo Alix, Jr. at Qiyamah ni Gutierrez Mangansakan II.

Kapansing-pansing ang mga naratibo ng mga nasabing pelikula ay umiinog sa mga lunang malayo sa sentro, sa mga lugar na nasa laylayan ng arkipelago. Ang kaakibat na kamalayan sa mga lugar na ito ay hinubog ng layong dikta ng heograpiya pati ng mga balitang madalas kakambal ang digma at gulo.

Sinuong nina Amrayda at Fatima kasama ng batang si Faidal ang pasikot-sikot na landas mula gubat hanggang dagat sa Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim, masalimuot at puspos ng bagabag ang kanilang pagtakas mula sa tumutugis na militar. Ngunit ang pagtakas na madalas balot ng kaba ay nilapatan ng saya, lumbay, at panglaw kung kaya’t nagmistulang kuwento ng buhay; walang tiyak at minsa’y walang kasagutang mababanaag.

Estasyon naman ng sundalong si Julian Macaraig ang isang isla sa pinag-aagawang Spratlys. Wari’y payapa, ang isla ay nakatagong yaman; hindi natitinag ng anupamang ingay o gulo. Ngunit puno ng ligalig ang katauhan ng halos hindi umiimik na si Julian, hawak sa isang madilim na sulok ng isip ang isang lihim pati ang mito ng kayamanan ng isla.

qiyamah02

Sa isang bayan naman sa Maguindanao iikot ang malikhaing bisyon ng katapusan ng mundo sa  Qiyamah. Iipuning unti-unti ang mga signos ng gunaw, isang hantungang mangyari’y pinaghahandaan at hindi maiiwasan.

Bagama’t lutang ang mga naratibo sa mga pelikulang ito, hindi tali sa dayalog ang mga bahagi nito. Nakaangkla sa malikhaing paggamit ng tunog, matalas na editing, sa malalim na kaalaman ng lunan pati ng kapangyarihang humubog ng kuwento ang mga pelikulang Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim, Kalayaan at Qiyamah. Karapat-dapat sa papuri ang epektibong pagkakatagni-tagni ng mga direktor sa mas malawak na konteksto ng salungatan pati ng mga personal na kalagayan or dilema.

Iginagawad ng Young Critics Circle Film Desk ang Pinakamahusay na Pelikula sa Qiyamah, idinerehe ni Gutierrez Mangansakan II. Ang masinop na paglalahad, matalas na editing, at ang mahusay na paggamit ng tunog at sinematograpiya ang nagpahatid ng ligalig na dala ng kamalayan ng gunaw. Unti-unti tayong inilapit sa nakabubulag na liwanag ng katapusan ng mundo, ang dulo na manao’t madali’y darating din. Nakapaloob ang ating agam-agam at takot sa komunidad at lipunan, isang ugnayang hinabi sa paraang pino at poetiko.

YCC gave the trophies to Mr. Mangansakan and Mr. Barbarona at an earlier date.

YCC gave the trophies to Mr. Mangansakan and Mr. Barbarona at an earlier date.

 
Leave a comment

Posted by on 07/09/2013 in Philippine Film

 

Tags: ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: